Itinuturing na malaking hamon sa Information Technology na matukoy kung totoo o peke ang inilalathalang mga balita sa social media.
Sa panayam ng DWIZ sa IT expert na si Jerry Liao, halos iisa lamang ang ginagamit na mga paraan para makapaglathala ng mga balita totoo man ito o hindi.
Ang tanging paraan ayon kay Liao, hanapin ang mga verified accounts sa mga social media para hindi malinlang ng mga balitang lumalabas dito.
Bahagi ng pahayag ni Mr. Jerry Liao, IT expert
Kaya naman panawagan ni Liao sa mga mambabatas, pag-aralang maigi ang mga paraan para hindi tamaan ang mga inosenteng social media account holders.
Bahagi ng pahayag ni Mr. Jerry Liao, IT expert
Senate investigation
Inihirit na rin ni Senator Francis “Kiko” Pangilinan sa Senado na imbestigahan ang laganap na misinformation at fake news sa Facebook.
Batay sa Senate Resolution 271 ni Pangilinan, layon nitong panagutin o habulin ang sinumang nagpapakalat ng mga maling nilalaman sa mga website.
Kabilang sa mga bansang nagre-regulate ng mga nilalaman sa social media tulad ng Facebook ay ang China.
Maging sa Germany ay sinasala rin ng Facebook ang mga pumapasok na impormasyon at balita sa kanilang social media sites.
Isinusulong kasi ng mga German lawmakers ang batas na naglalayong tanggalin sa social media ang mga tinatawag ‘hate speech’.
Samantala, sa Russia naman ay hindi kinikilala ang Facebook at hindi ito nabubuksan doon dahil mayroon silang local names ng social media.
Bagama’t umaabot sa 82% ng populasyon ng Russia ay mayroong social media accounts, iba naman ito sa nakasanayan ng ibang parte ng mundo na Facebook, Twitter, Instagram, at Youtube.
Maging ang mga kalapit na bansa ng Russia tulad ng Kazakhstan at Ukraine ay mayroon ding tinatawag na ‘regional replacements’ o local platforms at social media.
Kabilang sa mga social website na sikat na sikat sa Russia ay ang vk.com, ok.ru at moi mir.
By Jaymark Dagala | Credit to Ratsada Balita (Interview) | Jelbert Perdez