Inihihirit ng isang kongresista sa Department of Social Welfare and Development (DSWD) na sunod na ring ilabas ang nakabinbin na Unconditional Cash Transfer (UCT) sa ilalim ng Tax Reform for Acceleration and Inclusion o Train Law.
Ayon kay Albay Representative Joey Salceda, kaugnay na rin ito sa pagsisimula ng pamamahagi ng 500 pisong ayuda upang tugunan ang mga mahihirap na pamilyang Pilipino sa mataas na presyo ng mga bilihin o inflation rate.
Nabatid na aabot sa 9.4 na bilyong piso ang hindi pa nailalabas na ayuda sa ilalim ng UCT program.