Ikinatuwa ni Senate President Koko Pimentel ang inilabas na ng Philippine Drug Enforcement Agency ang listahan ng mga barangay official na sangkot sa illegal drugs trade kahit matagal na itong dapat ginawa.
Ayon kay Pimentel, dapat ay isumite ng PDEA ang Narco-list sa Department of Justice upang imbestigahan at kasuhan ang mga mapapatunayang sangkot.
Ngayong isinapubliko na anya ang listahan ay pagkakataon na ito upang sumagot at linisin ang kanilang pangalan.
Pagkakataon naman ito ng publiko na magdesisyon kung sino ang hindi nila dapat iboto sa Barangay at Sangguniang Kabataan elections sa Mayo 14.