Inaasahang malinaw na makikita ang supermoon kung saan mamamasdan ang buwan ng mas malapit sa mundo.
Ito ayon sa Philippine Atmospheric Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA) ay dahil walang bagyo o low pressure area (LPA) na umiiral kayat hindi gaanong makapal ang ulap sa papawirin.
Sinabi ni Engineer Dario dela Cruz, Hepe ng Space Science and Astronomy Section na makikita ang pinakamalapit na lokasyon ng buwan mamayang alas-7:21 ng gabi.
Huling naitala ang supermoon, 68 taon na ang nakakaraan o noong January 26, 1948 at muli itong masisilayan sa taong 2034.
By Judith Larino