Posibleng tumagal muli ang paghihintay ng mga Overseas Filipino Worker (OFW) sa resulta ng kanilang swab test.
Ito’y ayon kay Philippine Coast Guard Spokesperson Commodore Armand Balilo matapos na bumalik sa mano-manong sistema ang pag-proseso at pagdokumento ng swab test dahil hindi na ito dumadaan sa computerized system ng Philippine Red Cross (PRC).
Ani balilo, ang manual procedures na ito ang una na nilang ginawa kung saan hinihintay ng napakatagal ang resulta.
Sa computerized system ng PRC aabot lamang ng 1 araw o overnight ay nakukuha na ang resulta ngunit sa mano-manong paraan, umaabot ito ng 4 hanggang 5 araw.
Matatandaang itinigil ng PRC ang paproseso sa swab test dahil sa napakalaking utang na ng PhilHealth.