Nilinaw ng Department of Justice (DOJ) na hindi nila hawak ang paghahain ng arrest warrant laban sa ilang lider ng National Democratic Front (NDF).
Kasunod ito ng muling pagbuhay sa usapang pangkapayapaan ng gobyerno at CPP–NPA–NDF.
Ayon kay Justice Secretary Menardo Guevarra, handa silang mag assist at makipagtulungan sa peace panel para sa muling paggulong ng peace talks.
Sa kabila nito, tanging ang Korte lamang aniya na may hawak sa mga kaso ang may kapangyarihan siyang magdedesisyon kung ihahain o hindi ang nakapending na warrant of arrest laban sa mga opisyal ng rebeldeng grupo.
Una nang kinumpirma ni Government Panel chief at Labor Secretary Silvestre Bello III ang pagpayag ng NDF na muling makipag negosasyon sa gobyerno.