Isinisisi ng Department of Health (DOH) sa mga paglabag sa minimum health standards ang pagtaas ng bilang ng kaso ng coronavirus disease o COVID-19 sa bansa.
Ayon kay Health Undersecretary Maria Rosario Vergeire, ang presensya ng mas nakakahawang coronavirus variants ay maituturing lamang na isa sa mga posibleng sanhi o “aggravating factors” sa pagtaas ng bilang ng impeksiyon.
Kasabay nito, muling nanawagan sa publiko si Vergeire na tumalima pa rin sa mga health protocols sa kabila ng pagluluwag ng quarantine restrictions sa iba’t ibang panig ng bansa.