Nilinaw ngayon ng Task Force Bangon Marawi na wala pa silang namo-monitor na kaso ng bentahan ng iligal na droga sa Marawi City.
Ito ay matapos silang makatanggap ng impormasyon na may ilang grupo na nais samantalahin ang kasalukuyang sitwasyon sa lungsod para mag-suplay ng iligal na droga sa mga evacuation center.
Ayon kay Assistant Secretary Kristoffer James Purisima, Spokesperson ng Task Force Bangon Marawi, mahigpit na nilang binabantayan ang mga lugar sa Marawi at inalerto na nila ang Peace and Order Sub-committee ng naturang task force para sa posibleng paglaganap ng kontrabando.
Tiniyak naman ni Purisima na oras na may makumpirma silang kaso nito ay agad nilang ipapaalam at makikipagtulungan sa Pambansang Pulisya.
—-