Binalaan ng City Veterinary Office ng Dagupan sa Pangasinan ang kanilang mga mamamayan hinggil sa pagkalat ng mga botchang karne o double dead meat.
Ayon kay City Veterinarian Dr. Michael Maramba, mas nagiging laganap aniya ngayon ang botcha sa mga panahong ito lalo’t kaliwa’t kanan aniya ang mga handaan.
Mahigpit din nilang binabantayan at iniinspeksyon ang mga pamilihan sa lungsod para matiyak na hindi botcha ang mga ibinebentang karne.
Kasunod nito, pinaalalahanan naman ni Maramba ang kanilang mga kababayan na suriing mabuti ang bibilhing karne para masigurong malinis at ligtas ang kanilang ihahanda sa medya noche.