Pinatututukan na ng Malacañang sa AMLC o Anti Money Laundering Council ang paglaganap ng money laundering o dirty money mula sa iligal na transaksyon.
Kasunod na rin ito ng pag-amin ng Bureau of Internal Revenue (BIR) na hirap silang matunton o matukoy agad ang daan-daan milyong pisong pinapa-ikot sa pamamagitan ng money laundering.
Ayon kay Presidential Communications Secretary Sonny Coloma, kailangang resolbahin agad ng AMLC ang issue at panagutin ang mga lumalabag sa Anti-Money Laundering Act of 2001.
Binigyang diin ni Coloma na kailangang matiyak ang integridad ng financial at banking transactions at masugpo ang mga iligal na aktibidad na naipapasok sa financial system.
By: Judith Larino