Binabantayan ng Commission on Elections (Comelec) ang posibleng paglaganap ng fake news kasabay ng pagsisimula ng overseas absentee voting.
Ayon kay Comelec Spokesperson James Jimenez, mahipit silang naka-monitor sa mga taong nagpaplanong sirain o guluhin ang overseas absentee voting sa pamamagitan ng pagpapakalat ng mga pekeng impormasyon.
Aniya, nito lamang Sabado sa pagsisimula ng overseas absentee voting meron na agad lumabas na fake news matapos na magkaroon ng maliit na aberya sa Hong Kong.
Kaugnay nito, hinikayat ni Jimenez ang publiko na agad ipagbigay-alam sa kanila ang anumang impormasyon o balita kaugnay ng halalan para matukoy ang katotohanan sa mga ito.
“Noong first day nagkaroon ng konting aberya sa Hong Kong lumabas kaagad ang balita na may pandarayang nagaganap sa halalan, kahapon na-monitor namin na may naglalabas na ng resulta, lamang na raw si ganitong kandidato kaya magbantay daw kasi magkakaroon ng dayaan, inuulit namin at nilalabas din natin sa social media na kapag ang isang botante ay bumoto sa OAV o overseas voting ay hindi niya malalaman ang resulta hanggang hindi dumarating ang May 13, dahil ang mga botong ‘yan ay hindi binibilang hanggang May 13.” Pahayag ni Jimenez
(Balitang Todong Lakas Interview)