Nagbabala ang isang senador laban sa posibleng pagkalat ng mga ‘fake news’ ukol sa bakuna kontra COVID-19.
Ito’y ayon kay Senador Bong Go kaya’t nanawagan ito sa pamahalaan na magsagawa ng nationwide information at education campaign para sa planong pagbabakuna oras na magkaroon na ang bansa.
Dagdag pa ni Go, kailangan ng masusing pagpaplano, maayos na pag-uusap, at implementasyon ng national vaccination program para masigurong sapat na access at maayos na pamamahagi nito.
Sa huli, iginiit ni Go ang naging pakiusap ng Pangulong Rodrigo Duterte na dapat unahing mabakunahan ang mga mahihirap nating kababayan.