Ipinagmalaki ni Martial Law implementor at AFP Chief of Staff General Eduardo Año na nagampanan nila ng maayos ang kanilang tungkulin sa pamamagitan ng martial law sa Mindanao
Sa pagtatanong ni Albay Rep. Edcel Lagman kay Año, sinabi nito na dahil sa martial law, napigilan nila ang paglaganap ng terorismo sa Mindanao dahil may iba pang grupo na nais sumanib sa Maute Terror Group.
Posible rin aniyang nagsagawa rin ng kahalintulad na senaryo sa Marawi ang mga armado tulad ng Abu Sayyaf, BIFF at iba pa kung hindi sila napigilan ng military.
Subalit iginiit ni Albay Rep. Edcel Lagman na hindi na kailangan pa ng militar at pulisya ang martial law para supilin ang mga armadong grupo sa Mindanao dahil kaya naman ito ng mga awtoridad.