Iniimbestigahan na ng pamahalaan kung sino ang nasa likod ng pagkakabit ng tarpaulin sa kahabaan ng Shaw Boulevard at EDSA na nag-re-red tagged kay Mandaluyong RTC Judge Monique Quisumbing-Ignacio.
Ito ang tiniyak ni Presidential Spokesperson, Secretary Harry Roque, at sinabing siguradong mahuhuli ang mga ito dahil may mga CCTV sa lugar.
Mababatid na ikinabit ang naturang tarpaulin dalawang araw matapos na ibasura ang kaso laban sa mamamahayag na si Lady Ann Salem at Trade Unionist Rodrigo Esparago.
Sa kabila nito, umapela si Roque na huwag agad na gumawa ng konklusyon na na-red tagged na si Ignacio nang ibabase sa isang tarpaulin.