Ikinalulugod ni Senate Committee on Public Services Chairman Senator Grace Poe ang paglagda ngayong araw ni Pangulong Ferdinand Bongbong Marcos sa sim registration law.
Ayon kay Senator Poe, pinaghirapan nila para muling maipasa ang batas na ito na naglalayong labanan ang anumang panloloko gamit ang cellphone
Tiniyak naman ni Poe na may inilagay sila na sapat na safeguards upang matiyak na mapo-protektahan ang karapatan ng ating mga kababayan bilang mga pribadong mamamayan.
Anuman aniyang impormasyong makakalap sa pagrerehistro ng sim ay hindi maaaring ibunyag, maliban kung ito ay utos ng batas, korte o prosesong ligal.
Ang bawat mapatutunayang kapabayaan at paglabag ay papatawan ng mabigat na parusa.
Si Senator Poe, bilang Chairman ng Senate Public Services, ang nagsponsor ng sim registration act sa senado – sa ulat ni Cely Ortega – Bueno (Patrol 19)