Nadiskaril umano ang nakatakda sanang paglagda sa joint ceasefire agreement ng gobyerno at National Democratic Front (NDF).
Ayon sa ulat, hindi nagkasundo ang dalawang panig hinggil sa demand na revolutionary tax ng komunistang grupo.
Matatandaang kabilang sa mga inilatag na kondisyon ni Pangulong Rodrigo Duterte para magpatuloy ang peace talks ay ang pagtigil ng NPA ng paghingi ng revolutionary tax.
Iginiit din ng Pangulo na hindi pagbibigyan ang anumang territorial claims ng komunistang grupo at dapat ding palayain ang mga lahat ng mga pulis, sundalo at sibilyang hawak ng NPA.
By Ralph Obina
*OPAPP Photo