Umani ng papuri at pagsuporta mula sa ilang senador ang nilagdaang executive order ni Pangulong Rodrgio Duterte para sa pagpapatupad ng Freedom of Information (FOI) sa executive branch.
Pinasalamatan ni Senator Grace Poe ang naging move ng Pangulo, aniya, bagama’t sa executive branch lamang ito ipatutupad ay maituturing pa rin itong milestone
Para naman kay Senator Antonio Trillanes IV, maganda itong pagkilos para sa pagpapairal ng transparency sa ehekutibo at magpapalakas sa pagsusulong ng FOI Bill sa Kamara at Senado.
Samantala, siniguro naman ni incoming Senate President Koko Pimentel na susundan ng Kongreso ang pagpapatupad ng FOI sa pamamagitan ng pagpapasa ng batas upang tuluyan nang magkaroon ng transparency sa lahat ng sangay ng gobyerno.
By Rianne Briones
PHOTOS from Malacañang