Pinapurihan ng Catholic Bishops of the Philippines – Episcopal Commission for the Protections of Migrant Workers and Itinerant People o CBCP – ECMI ang paglagda ng Pilipinas at Kuwait sa Memorandum of Understanding para sa proteksyon ng mga OFWs.
Ayon kay Balanga Bishop Ruperto Santos, pinuno ng CBCP – ECMI, kanilang pinasasalamatan at kinikilala ang pagsusumikap, magandang layunin at sipag ng mga opisyal mula sa Pilipinas at Kuwait para maisakatuparan ng pagpirma sa MOU.
Umaasa rin si Santos na magiging pundasyon ito sa pagbibigay ng proteksyon at pagtataguyod ng karapatan at kapakanan ng lahat ng mga Overseas Filipino Workers.
Kasabay nito, nananawagan si Santos ng panalangin para sa ganap at matapat na pagpapatupad ng mga nilalaman ng nilagadaang MOU.