Pursigido umano si Pangulong Rodrigo Duterte na tuparin ang kaniyang pangako na tuldukan ang endo o end of contract.
Ayon iyan kay Presidential Spokesman Harry Roque nang kumpirmahin nito ang paglagda ng Pangulo sa isang EO o Executive Order para tapusin na ang kontraktuwalisasyon.
Ipinahiwatig ni Roque na posibleng isabay ng Pangulo sa Mayo Uno, Araw ng Paggawa ang paglagda nito sa naturang kautusan kaya’t apela ni Roque sa mga manggagawa, habaan pa ang pasensya sa paghihintay.
Una nang sinabi ng ALU-TUCP o Associated Labor Unions – Trade Union Congress of the Philippines na ngayong araw lalagdaan ang naturang kautusan subalit naunsyami ito makaraang kanselahin ang nakatakda sana nilang pakikipagpulong sa Pangulo.
I can only surmise that the final version of the EO has not been agreed upon by both labor, management and government. It’s a tripartite document which has to be agreed upon. Possibly they don’t have a final version yet. Pahayag ni Roque