Sinaksihan nina Pangulong Rodrigo Duterte at Chinese Premier Li Keqiang ang paglagda sa 14 na kasunduan sa isang makasaysayang pagbisita ng opisyal ng China sa Malakanyang, kahapon.
Ito ang kauna-unahang pagbisita ng isang Chinese premier sa Pilipinas sa nakalipas na 10 taon.
Kabilang sa pinagkasunduan ng Pilipinas at Tsina ang pagtatayo ng dangerous drugs abuse treatment and rehabilitation centers at dalawang tulay sa Pasig River;
Kaliwa Dam-New Centennial Water Source para sa Metropolitan Waterworks and Sewerage System at Chico River Pump Irrigation para sa National Irrigation Administration;
At feasibility studies para sa infrastructure programs at rehabilitation aid ng Marawi City.
Nagpasalamat naman si Pangulong Duterte sa malaking tulong na ipinagkaloob ng Tsina sa Pilipinas.