Pirmado na ni Pangulong Ferdinand Marcos jr. ang Implementing Rules and Regulations (IRR) ng Republic Act no. 12021 o ang Magna Carta of Filipino Seafarers.
Ito’y matapos maisapinal ng Department of migrant Workers at Maritime Industry Authority ang IRR alinsunod na rin sa itinakdang 90-araw sa ilalim ng section 97 ng nasabing batas.
Ayon kay Pangulong Marcos, sa ilalim ng batas at IRR ay itatatag ang one-stop shop para sa seafarers, na magpapasimple ng mga proseso.
Laman nito ang mas detalyadong gabay para sa implementasyon ng batas, kabilang na ang mga probisyon sa employment standards, social protection, kalusugan, kaligtasan, skills training, at suporta sa pamilya.
Isa ang Magna Carta of Filipino Seafarers sa mga pangunahing panukalang batas na isinulong ng administrasyong Marcos na layuning tiyakin ang karapatan, kapakanan, at dignidad ng mga Marinong Pilipino. – Sa panulat ni Laica Curva