Mapapanatili ang paglago ng ekonomiya ng bansa sa bagong Philippine Development Plan (PDP) taong 2023 hanggang 2028.
Ito’y kumpiyansang sinabi ng National Economic Development Authority (NEDA) matapos sa naganap ng presentasyon sa House Committe on Economic Affairs.
Ayon kay NEDA Secretary Arsenio Balisacan, layon ng PDP na magkaroon ng pagbabago sa ekonomiya ng bansa kung saan maraming magbubukas ng mga trabaho at mapababa ang poverty rate matapos ang epekto ng pandemya.
Nakatulong naman anya ang pagbubukas ng iba’t ibang sektor at paglago ng ekonomiya ng bansa.
Samantala, inaasahang mailatag ang PDP 2023 to 2028 kay Pangulong Ferdinand ‘Bongbong’ Marcos Jr. at sa mga miyembro ng gabinete sa ikatlong linggo ng Disyembre. – sa panulat ni Jenn Patrolla