Bahagyang bumaba ang paglago ng ekonomiya ng bansa sa unang tatlong (3) buwan ng 2017.
Gayunman, kumpara sa mga kapwa bansa sa Asya, pinakamabilis pa rin ang paglago ng GDP o Gross Domestic Product ng bansa sa mula Enero hanggang Marso ng taong ito na pumalo sa 6.4 percent kumpara sa 5.01 percent ng Indoensia, 3.3 percent ng Thailand, 2.7 percent ng South Korea, 2.56 percent ng Taiwan at 2.5 percent ng Singapore.
Ang 6.4 GDP ng Pilipinas ay mas mababa kumpara sa 6.8 percent mula Oktubre hanggang Disyembre ng 2016.
Batay sa datos ng PSA o Philippine Statistics Authority, ang paglago ng GDP ay bunga ng pagbangon ng exports sector at magandang produksyon sa sektor ng agrikultura.
Bagamat bigo ang bansa na makamit ang target na 7 percent GDP para sa unang bahagi ng taon, kumpisyansa ang pamahalaan na matatamo nito ang target na 6.5 hanggang 7.5 percent GDP para sa kabuuan ng taong 2017.
By Len Aguirre