Bumagal ang paglago ng ekonomiya ng bansa sa unang tatlong buwan ng 2015.
Ito ay matapos maitala ang 5.2 percent na paglago sa ekonomiya ng Pilipinas mula sa 5.6 percent na paglago noong 2014 sa kaparehong period.
Ayon sa National Economic Development Authority (NEDA), bunsod ito ng ilang isyu sa pagpapalabas ng pondo at implementasyon ng mga proyektong gobyerno.
Maliban dito, bumagal din ang paglago ng exports at ng mga pabrika at maging ang household consumption.
By Ralph Obina