Bumagal sa ikalawang bahagi ng taon ang paglago ng ekonomiya ng bansa.
Batay sa datos na inilabas ng Philippine Statistics Authority o PSA, naitala sa 6 percent ang gross domestic product sa second quarter ng 2018 na mas mababa kumpara 6.7 percent kumpara noong nakaraang taon.
Sa kabila nito, tumaas naman ang services sector na nasa 6.8 percent na sinundan ng 6.3 sa mga industriya.
Sinabi naman ni Socio-economic Planning Secretary Ernesto Pernia na pumangatlo pa rin ang Pilipinas pagdating sa fastest growing economies sa Asya.
—-