Muling ibinaba ang World Bank ang kanilang pagtaya sa ilalago ng ekonomiya ng bansa para sa kabuuan ng 2018.
Sa pinakahuling projection na inilabas ng World Bank, posible umanong bumaba sa 6.5 percent ang gross domestic product (GDP) ng bansa para sa 2018 mula sa dati nilang pagtaya na 6.7 percent.
Sa kabila nito sinabi ng World Bank na nananatiling isa ang Pilipinas sa mga pinakamabilis lumagong ekonomiya sa East Asia at Pacific Region.
—-