Itinulak ng administrasyon ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang ekonomiya ng Pilipinas bilang fastest-growing sa major Asian countries sa taong 2023.
Ito ay ayon sa inilabas na statement ng Department of Finance (DOF) noong December 28, 2023.
Ayon kay Finance Secretary Benjamin Diokno, sa kabila ng iba’t ibang hamon gaya ng mataas na inflation, mabagal na paglago ng pandaigdigang ekonomiya, trade restrictions, at geopolitical tensions, nananatili ang bansa bilang isa sa brightest spots sa rehiyon.
Sa unang tatlong quarter ng taon, lumago ang ekonomiya ng Pilipinas ng 5.5%.
Pinakamataas ito kumpara sa major economies sa Asya, kabilang ang China na may 5.2% growth, Indonesia na 5.1%, Vietnam na 4.2%, Malaysia na 3.9%, Thailand na 2%, at Singapore na 0.5%.
Samantala, mayroon ding positive year-on-year (YoY) growths sa first three quarters ng 2023 ang lahat ng major production sectors. Pinangunahan ito ng services sector na may 7% growth, industry na 3.7%, at agriculture na 1.1%.
Kinilala naman ng multilateral organizations ang strong economic performance ng Pilipinas na inaasahang magkakaroon ng pinakamabilis na expansion. Ayon sa Asian Development Bank (ADB), magiging 5.7% ang growth ng bansa. Para sa ASEAN+3 Macroeconomic Research Office (AMRO) at World Bank (WB), lalago ito ng 5.6%; samantalang para sa International Monetary Fund (IMF), 5.3% ito.
Bukod rito, naging matatag din ang external performance ng Pilipinas kung saan naitalang $102.7 billion ang gross international reserves (GIR) ng bansa para sa November 2023, mula $101 billion noong October.
Matatandaang sinabi ni Japanese Chamber of Commerce and Industry (JCCI) chair Ken Kobayashi na naaakit ang investors sa pag-develop ng negosyo nila sa Pilipinas dahil sa stable at high-level economic growth nito.
Sa patuloy na paglago ng ekonomiya sa ilalim ng administrasyon ni Pangulong Marcos, mas maraming foreign investments ang papasok sa bansa. Inaasahang makapagbibigay ito ng mas maraming trabaho para sa bawat Pilipino at magpapanatili sa katatatagan ng ekonomiya ng Pilipinas.