Posibleng mas bumagal pa ang paglago ng ekokomiya ng Pilipinas kasunod ng pagpapalawig ng umiiral na enhanced community quarantine (ECQ) hanggang ika-15 ng Mayo.
Ayon kay Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP) Governor Benjamin Diokno, inaasahang liliit ng .8 ang maitatalang gross domestic product (GDP) ng bansa sa unang bahagi ng 2020.
Malaking dahilan aniya rito ang nabawasang economic activity bunsod naman ng ipinatupad na enhanced community quarantine, coronavirus disease 2019 (COVID-19) pandemic at maging ng pag-alburuto ng Bulkang Taal.
Inaasahang lalabas ang opisyal na datos sa GDP ng bansa sa unang quarter ng 2020 sa Huwebes o dalawang araw matapos maipalas sa inflation rate para sa Abril.