Nangangamba si Senador Joel Villanueva sa posibleng dalang problema ng paglago ng sektor ng Philippine Offshore Gaming Operation (POGO) sa bansa.
Ayon kay Villanueva, bukod sa hindi nagbabayad ng tamang buwis ang mga ito, dumadagsa rin ang mga kriminal na Chinese na tumatakas sa kanilang bansa.
Dahil din aniya sa paglago ng POGO sector, tumataas din ang renta sa mga tirahan at office space na lubos na nakakaapekto sa mga negosyante gayundin sa mga manggagawang Pinoy.
Ginawa ng senador ang pahayag matapos mapaulat ang pagkakadakip sa halos 300 chinese nationals sa isinagawang raid ng Bureau of Immigration (BI) sa Pasig City.