Bahagyang bumagal ang paglago ng supply ng pera sa bansa noong Disyembre.
Nakapagtala ng 12.4 percent growth rate sa nasabing buwan kumpara sa 12.7 percent noong Nobyembre.
Ito, ayon sa Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP), ay katumbas ng 9.47 trillion peso domestic liquidity sa pagtatapos ng taong 2016.
Kumpara ito sa 8.4 trillion pesos na naitala sa kaparehong panahon noong 2014.
Sa kabila nito, patuloy na imomonitor ng BSP ang daloy ng pera upang matiyak na mananatili ang overall domestic liquidity dynamics alinsunod sa price and financial stability na layunin ng Central Bank.
By Drew Nacino | Story Credit: Business Mirror