Ibinida ng Department of Tourism o DOT ang paglago ng turismo sa Pilipinas ngayong taon.
Ayon kay Tourism Secretary Wanda Teo, simula sa ginanap na Miss Universe pageant noong Enero 2017, nagtuloy – tuloy na ang pagpasok ng mga turista sa bansa.
Batay sa datos ng DOT, sa unang sampung (10) buwan ng taon umabot sa mahigit limang (5) milyon ang mga dayuhang turista na pumunta sa bansa na mas mataas ng 11.54% kumpara sa kaparehong panahon noong nakaraang taon na may mahigit apat (4) na milyong turista lamang.
Dagdag pa ni Teo, bukod sa ginanap na Miss Universe, malaking kadahilanan din ng pag – usbong ng turismo ngayong taon ay ang lumalaking bilang ng mga turistang mula sa China at India.
Gayundin ang kanyang mga naging biyahe sa ibang bansa kung saan nakikipag – ugnayan umano siya sa mga tour operator upang maimbitahan na bumisita sa Pilipinas.