Nilinaw ng VACC o Volunteers Against Crime and Corruption na hindi nila tuluyang ini-aatras ang kanilang pagsuporta sa kampaniya kontra iligal na droga ng Administrasyong Duterte
Sinabi ni VACC Spokesman Arsenio “boy” Evangelista sa panayam ng programang Balita Na, Serbisyo Pa na kailangan muling magkaroon ng malawakang paglilinis sa hanay ng pambansang pulisya
Partikular na tinukoy ni Evangelista ang kaso ng isang 52 anyos na kawani ng pamahalaan sa Bacolor, Pampanga kamakailan na di umano’y biktima ng tanim droga modus ng mga pulis
Dahil dito, nakatakdang makipagpulong ang VACC sa DILG at liderato ng PNP para maisakatuparan ang ninanais nilang paglilinis sa hanay ng mga tagapagpatupad ng batas
Giit ni Evangelista, dapat aniya iyong magsimula sa recruitment pa lamang ng mga bagong pulis upang hindi na dumami pa ang mga tinaguriang pulis iskalawags
By: Jaymark Dagala / BNSP
Paglahok ng PNP sa anti-drug ops dapat itigil muli – VACC was last modified: May 11th, 2017 by DWIZ 882