Nanganganib hindi makapaglaro sa darating na Rio Olympics sa susunod na buwan ang buong team ng Russia.
Ito’y makaraang hilingin ng anti-dopping agencies ng America at Canada sa International Olympic Committee na i-ban ang buong Russian team sa pagsali sa Olympics gayundin sa Paralympics.
Binigyang diin ng mga naturang ahensya mula sa dalawang bansa ang lumabas na resulta nang suriin ang mga Russian athletes noong Sochi Olympics ng 2014 kung saan, nagpositibo ang mga ito sa paggamit ng iligal na droga.
Maliban sa ban, iginiit din ni US Anti Dopping Agency CEO Travis Tygart at Canadian Center for Ethics in Sports CEO Paul Melia na sibakin sa tungkulin ang lahat ng sports officials ng Russia dahil sa pagiging pabaya ng mga ito.
By Jaymark Dagala
Photo Credit: AP