Inihayag ng Department of Science and Technology (DOST) na makabubuti sa Pilipinas kung makikilahok sa mga clinical trials na isinasagawa sa bansa.
Ayon kay Dr. Jaime Montoya, executive director ng Philippine Council for Health Research and Development ng DOST, ito ay para matiyak na magiging available sa bansa ang bakuna.
Ani Montoya, epektibong istratehiya ang pagkakaroon ng partisipasyon ng bansa sa mga clinical trials.
Magiging posible aniya ito sa pamamagitan ng pakikipag-usap sa mga nag-dedevelop ng mga bakunang ito.
Kasabay nito, iginiit din ni Montoya ang pakikilahok ng bansa ‘solidarity trial for vaccines’ ng World Health Organization (WHO).