Nagpaabot ng pagbati ang Malacañang kay Japanese Prime Minister Shinzo Abe matapos manalo sa eleksyon ang kinabibilangan niyang liberal democratic party.
Ayon ay Presidential Spokesman Ernesto Abella, tiwala siyang patuloy na tatatag ang ugnayan ng Pilipinas at Japan partikular na sa aspeto ng ekonomiya ang panibagong mandato ng partido ni Abe.
Umaasa rin ang palasyo na lalakas pa ang matibay nang relasyon ng dalawang bansa sa mga susunod pang mga taon.
Magugunitang inihayag mismo ni Pangulong Rodrigo Duterte na pangungunahan ng Japan ang pagtatayo ng kauna-unahang subway rail system sa Pilipinas na posibleng isapinal sa Nobyembre ng taong kasalukuyan.