Posibleng lumakas ang umiiral na El Niño phenomenon sa bansa at magtagal pa ito hanggang sa unang bahagi ng 2016.
Batay sa prediksyon ng US-based National Oceanic and Atmospheric Administration at ng International Research Institute for Climate and Society, 90 porsyento ang posibilidad na magpapatuloy ang El Niño hanggang Setyembre o Nobyembre at 85 percent na magtatagal pa ito hanggang Disyembre o Marso ng susunod na taon.
Matatandaan na batay naman sa pagtaya ng mismong Philippine Atmospheric Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA) at Japan Meteorological Agency, posibleng hanggang Marso magtagal ang El Niño phenomenon.
Gayunman, ayon sa PAGASA, mayroon nang mga lugar sa Pilipinas ang makakaranas ng normal na pag-ulan simula ngayong Hunyo.
Posible namang magpatuloy ang nararanasang tagtuyot sa mga lalawigan ng Apayao, Bataan, Ilocos Norte, La Union, Palawan, Pampanga , Saranggani at South Cotabato.
By Len Aguirre