Diretsahang inihayag ni Pangulong Noynoy Aquino na pinalaki ng husto ng media ang isyu ng talaba o tanim laglag bala sa Ninoy Aquino International Airport o NAIA.
Inihayag ito ng Pangulong Aquino matapos mausisa kung ano na ang aksyon nito sa kontrobersyang idinulot ng laglag-bala.
Sinabi ng Pangulo na kung titingan ang datos, milya-milya ang layo ng 34 na milyong pasaherong dumadaan sa NAIA kada taon sa 12 pasaherong nahulihan ng bala.
Tahasan din nitong sinabi na may nakinabang sa pag-sensationalized sa laglag-bala kaya’t hinahanapan na ng pruweba.
By Meann Tanbio | Aileen Taliping (Patrol 23)