Sinisi ng isang consumer group ang Rice Tariffication law kung bakit lumala pa ang problema sa bigas sa bansa.
Ayon sa grupong Samahan at Ugnayan ng mga Konsyumer para sa Ikauunlad ng Bayan (SUKI), imbis na tugunan ng batas ang mga naunang problema sa bigas ay mas lalo pa nitong pinalala.
Anila, kahit na mababa na ang presyo ng bigas dahil sa importasyon ay mataas pa rin ang bentahan sa merkado na nagkakahalaga ng higit P40/kilo.
Dagdag pa nito, pinalala rin ng batas ang sitwasyon ng mga magsasaka sa bansa na maaaring humantong sa market failure.
Ang market failure ay ang hindi pantay na distribusyon ng supply sa merkado.
Matatandaang sumadsad na sa P7/kilo ang presyo ng bigas mula sa mga lokal na magsasaka na isinisi sa Rice Tariffication law.