Dapat i-prayoridad ng pamahalaan sa 2022 national budget ang pag-aaral sa posibilidad na mabakunahan kontra COVID-19 ang mga kabataan.
Ito ang binigyang diin ni Senate Finance Committee Chairman Senador Sonny Angara ,na kailangan ngayon palang pinag-aaralan na ng Food and Drug Administration (FDA) na ikonsidera ang pondong ilalaan sa pagbabakuna sa mga menor de edad sa deliberasyon ng 2022 budget simula ngayong Setyembre.
Ang naturang hakbang ay bilang paghahanda para masimulan na muli ang face to face classes sa bansa.
Sinabi ng Senador, nagsimula ng bakunahan kontra COVID-19 ang mga batang may edad 12 hanggang 15 sa Amerika, Canada at Singapore.
Giit pa ng Senador, maaaring gamitin ang pondong hindi magagam,it mula sa P82.5 bilyon na nasa bayanihan 2 law fund para sa naturang pag-aaral.