Bakunado man o hindi ang isang Authorized Persons Outside Residence (APOR) ay pwede itong maglabas-masok sa NCR plus kapag umiral ang GCQ at ECQ.
Iyan ang naging paglilinaw ng Justice Department dahil anila, wala pa sa mayorya ng populasyon ang nabakunahan kontra COVID-19.
Ginawa nila ang paglilinaw dahil nagsimula na ang pamahalaan sa paglimita sa biyahe at tanging APOR lang ang nakakalabas sa NCR plus.
Nagkaroon din ng kalituhan ng sabihin ni Pangulong Duterte na hindi dapat ansa labas ang mga hindi pa bakunado.—sa panulat ni Rex Espiritu