Muling kinwestyon ni Senate Minority Leader Aquilino ‘Koko’ Pimentel III, ang bagong polymer banknotes na inilabas ng Bangko Sentral ng Pilipinas.
Ayon sa senador, nangangahulugan lamang ito ng bagong kontrata na nagkakahalaga ng bilyung-bilyong piso, at pagiging dependent sa polymer ng australia sa halip na paggamit ng abaca ng Pilipinas.
Igniit din ng Mambabatas na nang ilabas ang 1,000 polymer bank notes noong 2022, sinabing pag-aaralan lamang ito, ngunit hanggang ngayon ay hindi pa natutukoy ang resulta ng nasabing pag-aaral.
Kaugnay nito, nais ng Senador na magkasa ng pagdinig ang Senate Committee on Banks dahil bagama’t hindi aniya humihingi ng budget ang BSP sa ilalim ng General Appropriations Act, dapat nitong ipaliwanag ang mga pagpapalit ng pera sa polymer version. - Sa panulat ni Laica Cuevas