Hindi na magkakaroon ng pagka-antala sa paglalabas ng Covid-19 RT-PCR test results ng mga pilipinong uuwi ng bansa.
Ito ang tiniyak ni Bureau of Quarantine (BOQ) Deputy Director Dr. Roberto Salvador Jr. kung saan sa loob lamang aniya ng 24 oras ay nakapagsumite na ng mga resulta ng nasabing tests ang mga laboratoryo sa bansa.
Ipinaliwanag naman niya na ang nangyaring delay ng swab results ay naranasan lamang noong maraming nagpositibo sa naturang sakit kabilang ang halos lahat ng mga tauhan sa mga ahensya ng gobyerno.
Samantala, sinabi ni Salvador na nasa 3,000 international arrivals ang bilang ng daily average capacity na kanilang naitatala kada araw kung saan hindi bababa sa 300 ang mga indibidwal na nagpopositibo sa nasabing sakit. —sa panulat ni Airiam Sancho