Inaasahang mailalabas na ng COMELEC sa January 7 ang pinal na listahan ng mga kandidato para sa MAY 9, 2022 elections.
Ayon kay COMELEC Spokesman James Jimenez, umaasa silang maayos na ang mga nakabinbing issue ng mga aspirants pagsapit ng Enero A – 7.
Bagaman aminado si Jimenez na mas matatagalan umano ang pagresolba sa disqualification cases, hindi naman tatanggalin sa balota ang pangalan ng mga kandidatong nahaharap sa mga naturang kaso.
Itinakda naman ng Poll Body ang ballot printing sa Enero a-15. —sa panulat ni Drew Nacino