Mahihirapan ang publiko na magkaroon ng ‘access’ sa statements of assets, liabilities and net worth (SALN) ng mga mambabatas sa isang resolusyon inihain sa Kamara.
Sa inilabas na House Resolution 2467, pagbobotohan muna sa plenaryo ang paghingi ng kopya ng SALN kung saan magpapakita muna ng identification request at isaad ang kanilang intention.
Ang mga indibidwal na hihingi ng SALN ay kailangan magbayad ng P300 kada kopya.
Samantala, nilinaw ni House Majority Leader Fredenil Castro na ang sinasabing resolusyon ay magpapadali sa pag-access sa SALN ng mga mambabatas kung saan hindi na ito kailangan idaan sa korte.