Ipinaliwanag ng Office for Competition ng Department of Justice, na hindi isang uri ng price control ang paglalabas ng pamahalaan ng Suggested Retail Price o SRP.
Ayon kay Usec. Geronimo Sy, ang naturang presyo ay suhestyon lamang, at makakabuting tawagin nalang itong reference retail price upang madaling matukoy ang pagkakaiba sa ibinibigay na SRP ng mga manufacturer.
Binigyang diin ni Sy na tanging sa panahon ng kalamidad lamang maaaring magkaroon ng price control, at hindi din maaaring obligahin ang mga producer na sundin ito, kapag wala namang emergency situation.
By Katrina Valle | Bert Mozo (Patrol 3)