Walang masama sa paglalabas ng survey results o paglabag mula sa anumang survey firms kahit na ilang araw na lamang bago ang eleksyon.
Ito ang nilinaw ni COMELEC Spokesman, Dir. James Jimenez, makaraang matanong hinggil sa Section 5.4 ng Fair Elections Act o Republic Act 9006 na nagbabawal dito.
Ayon kay Jimenez, tinanggal na ng Supreme Court ang nasabing probisyon sa RA 9006 dahil sa pagiging unconstitutional.
Paglabag anya sa karapatan sa pamamahayag ang Section 5.4 ng nasabing batas.
Noong Lunes, Mayo 2 inilabas ng Pulse Asia ang huling pre-election survey nito kung saan ipinakitang nangunguna pa rin si presidential candidate Ferdinand “Bongbong” Marcos Junior, kahit pitong araw na lang bago halalan.
Magugunitang naipanalo ng Social Weather Stations ang kaso nito laban sa COMELEC, matapos katigan ng Korte Suprema ang nasabing survey firm.