Sisimulan na ng pamahalaan ang paghahanap ng mga available cold chain facilities na maaring pag-imbakan ng mga bibilhing bakuna kontra COVID-19 sa susunod na linggo.
Ito ang inihayag ni Vaccine Czar Secretary Carlito Galvez kasabay ng ceremonial signing para sa pagkuha ng bansa ng karagdagang mahigit 14 na milyong doses ng bakuna kontra COVID-19 sa Astrazaneca ng UK.
Ayon kay Galvez, kinakailangang matiyak na maayos ang pag-iimbakan ng mga bakuna kung saan nasa -20 hanggang -°C ang temperatura.
Ito aniya ay upang masiguro ang efficacy o bisa ng mga bakuna gayundin ang maiwasang masayang ang mga ito.
Sa ngayon, nakabili na ang pamahalaan ng 10 ultra-low temperature freezers sa pamamagitan ng Covax facility ng world health organization.