Ibinalik ng mga simbahan ng Katoliko sa Pilipinas ang paglalagay ng abo sa noo ngayong Ash Wednesday 2023 dahil sa pagbaba nang kaso ng COVID-19 Ayon kay Catholic Bishops’ Conference of the Philippines (CBCP) President at Bishop Pablo Virgilio David ng Caloocan, ang mga indibidwal na obispo ay magsasagawa sa pamamagitan ng paglagay ng abo sa noo sa pagsisimula ng Lenten season.
Mula ng magsimula ang pandemya noong 2020, ang mga simbahan sa bansa ay hindi pinapayagang maglagay ang mga tao ng abo sa noo para makaiwas sa COVID-19.
Ngunit nang bumaba ang kaso ng COVID-19 noong 2022, pinayagan na muli ang mga pari na ibalik ang nakasanayang tradisyon na paglalagay ng abo sa noo.-sa panunulat ni Jhon Hernandez