Nakatakda nang talakayin ng NEDA-ICC o National Economic and Development Authority – Investment Coordination Committee at ng San Miguel Corporation ang mungkahing pagtatayo ng airport sa lalawigan ng Bulacan.
Ito’y bilang pagtupad sa pangako ng administrasyon na paluwagin ang daloy ng trapiko sa Metro Manila sa pamamagitan ng paglilipat ng paliparan hindi kalayuan mula rito.
Ayon kay NEDA Assistant Secretary for Policy and Planning Jonathan Uy, kasalukuyan pa nilang inaaral ang naturang panukala na nagkakahalaga ng 700 bilyong piso.
Batay sa nasabing panukala, balak maglagay ng San Miguel ng airport na may sukat na 2,500 ektarya na kayang mag-accommodate ng hindi bababa sa 100 milyong pasahero kada taon.
—-