Pinagpaplanuhan na ng pamahalaang lokal ng Valenzuela ang paglalagay ng bike lane sa Mcarthur Highway para sa mga siklista.
Ayon sa Valenzuela City Government, nasa 6.7 kilometers ang haba ng gagawing daanan para sa mga nagbibisikleta sa naturang lugar.
Sa naging pahayag naman ni Valenzuela City Mayor Rex Gatchalian, marami sa mga residente sa kanilang lungsod ang gumagamit ng bisikleta papasok sa kanilang mga trabaho.
Aniya, layunin ng kanilang lungsod na maparami at mahikayat ang iba pang mga residente na gumamit ng mga bike sa halip na sumakay sa mga pampubliko at pribadong sasakyan.
Titiyakin naman ng pamahalaang lokal na dumaan sa pag-aaral ang paglalagay ng bike lane sa kanilang lungsod.—sa panulat ni Angelica Doctolero